2009 top 10 songs in my player according to last.fm
10. rivermaya - bochog
http://www.mediafire.com/?thm2mmm0tex
ito yung favorite song ko sa tuloy ang ligaya album na nirelease nung 2001. rico and mike elgar ata ang nagsulat. tapos konting jologs nung lyrics pero sobrang tatamaan ka talaga. haha. ang ganda rin nung pasok ng guitar solo. parang nagri-rip through your heart. tas since 2009 is heart-ripping year,pinakinggan ko siya nang husto.
9. july for kings - say it now
http://www.youtube.com/watch?v=Bxq-ZPrlJ
itong kanta na 'to ay nadiscover ko lang dahil nagddrive ako at nakikinig ng radyo. medyo matchbox20ish yung ibang songs nila pero eto gusto ko dahil sa melodies. tapos kamukha pa ng vocalist si shaggy from scoobydoo. tignan nyo dito: http://www.youtube.com/watch?v=3sppYD0UT-0
8. arvin dumo - riptide
walang link itong kanta na 'to. kailangan nyong tanungin si mr. arvin dumo kung pwede nyo hingin sa kanya.
favorite ko yung use nya of borrowed chords. ang galing e. at since ito nga ang aking favorite song ni arvin,
balak namin itong irecord properly with very winner arrangements. haha excited na ako.
7. hillsong united - hosanna
http://www.youtube.com/watch?v=M7SMUf6Qc
for those who are not into this kind of music, pakinggan nyo lang yung song kahit technically. ang ganda pa rin e. si josh balagapo ang nagparinig nitong song sa akin. sobrang fan kasi ako ng hillsong united pero tumigil na akong makinig ng mga bagong kanta dahil hindi na ako part ng music ministry ng church namin. simple lang din to pero winner melodies. ang galing nila mag-arrange ng songs into powerful masterpieces. tapos ang hot pa ni brook fraser ligertwood (yep kinasal na siya). maganda rin yung album niyang albertine btw.
6. mae - release me
http://www.youtube.com/watch?v=agZ9cvzXa
this year ko lang talaga nadiscover ang mae. inaya ako ni donald laudencia sa tk kasi may nirereto sa kanya yung isa nyang kaibigan na girl. tas nag end up na ako yung mas may gusto dun sa girl. hahaha. anyway, mae yung pinapatugtog sa tk tas sobrang nacurious ako so tinanong ko kung sino. tas may isa pang hot girl na nagpapatugtog pala, nakakabit yung ipod niya sa speakers. nagkaexcuse tuloy si don na lumapit dun sa girl at tanungin kung sino yung artist. pagkauwi ko dinownload ko yung buong mae discography tapos narealize ko na medyo iba to sa mga songs nila. favorite ko yung mga extended/sustained notes before the choruses.
5.+/- - flight data recorder
http://www.mediafire.com/?wzzjjzzgmj2
dahil last track to sa x's on your eyes, medyo literally nahuli ko siyang pakinggan tas hindi masyado pinansin hanggang early this year. tapos woah. 11/8 yung meter nya pero hindi halata. naka 1-2-3-1-2-3-1-2-3-1-2 siya. tas ang powerful nung chorus, kasi ang sad pakinggan nung song pero puro major chords lang yung ginagamit. tas kahit na bitin na 6/8 yung song, may 2/8 na guitar line si james tas nasiswitch yung line kasi nga odd yung main meter. tas GENIUS. eto yung live version: http://www.youtube.com/watch?v=g8I-Xk-JX
4. loney dear - saturday waits
http://www.youtube.com/watch?v=Ohhqm0igb
siyempre si kathy gener (matriarch of indie/queen musicologist) yung nagpakilala sa akin ng loney dear. tas agad akong nainlove. (hindi kay kathy ha. although nainlove talaga ako sa kanya dati). ang galing ng falsetto nya tas sobrang indie lang talaga nito. ang ganda nung fuzz bass at yung lungkot na dinadala nitong song.
lagi ko rin to pinapakinggan pag nagddrive. live version here: http://www.youtube.com/watch?v=Y3Tsap-FZ
3. toe - all i understand is that i don't understand
http://www.dailymotion.com/video/x91d6n_
ito isa pang genius. ok lang paulit-ulit pakinggan parang matagal bago ako magsasawa. sana pumunta sila dito sa 2010. ang ganda rin pala ng bago nilang album pero hindi na umabot sa list kasi kaddownload ko lang.
2. john mayer - heartbreak warfare
http://www.youtube.com/watch?v=Pro3bpx2S
man-crush john mayer does it again. haha. 1st track sa 4th studio album battlestudies tas wow ang ganda ng start. sinubaybayan ko talaga yung paggawa ng album na'to tas kahit na november na siya lumabas naging top2 pa rin siya. sobrang naadik talaga ako sa kanta na 'to. again here's the live version (ang saya na yung high guitar notes ginagawa nya gamit yung whammy/tremolo bar. http://www.youtube.com/watch?v=2GLZ38_1F
1. versus - spell you're under
http://www.mediafire.com/?2nmtojnwumz
haha number 1 sa list pero ito ata yung pinaka matandang kanta dito sa lahat. ang ganda ng buong kanta. ng guitar parts, ng drums ng melodies. tapos woah ang ganda ng lyrics. hindi ako masyado sa lyrics when it comes to music pero ang wow lang talaga. at since kinain ako ng 2009, eto yung masarap kantahin para hindi ko mafeel na nasa loob ako ng stomach ng stupid year na yun. :D haha. download it.

grateful
